Wednesday, September 29, 2010

Ang Aking Panig

Ako'y isang magaaral na naghahangad,
na ako'y makatapos at maging mapalad
Para sa aking pag-aaral ako'y handa,
para ipagmalaki ang bansa at ang madla

Ngunit sa aking pagmamasid,
ang aking kritoko'y naka panig
Tinutuligsa at niyuyurakan,
ang aking magandang pangalan

Pilit nila akong pinapahirapan,
upang hindi na ako makapalag
Hawak nila ako sa leeg,
ginapos sa gitna ng ilang

Sa harap ng husgado tinig ko'y hindi pinakikinggan,
Sapagkat ang aking mga kaaway ay palaging hadlang
panu kaya nila maririnig ang aking panig,
kung ang kanilang maga tenga'y palaging naka sara

Sana'y tulunagn ako ng maykapal,
upang ang aking daing ay hindi hadlangan
Sapagkat ang aking panig ay kumakatawan,
sa buong mundo na nahihirapan

No comments:

Post a Comment