Monday, November 1, 2010

Ang Huling Panunuyo

Kung iyong mamarapatin,
ako sana'y dinggin
Ang aking hinaiing sayo,
di mo batid 'pagkat ika'y malayo

Aking pagibig 'di mo tinanggap,
sa alapaap; ika'y hinahanap
Bawat sulok ng daigdig aking pupuntahan,
upan makapiling ang sya'ng minamahal

Ngunit ng ika'y matagpuan,
ako'y nabigla sa nalaman
Puso mo'y nakalaan sa iba,
halik mo'y dumampi sa iba

Aking puso 'di mo pinahalagahan,
sa mga anino; ako'y gumagala
Bawat luha sa mata'y pinunas,
humuhikbi sa pagkamalas

Natural ba sayo ang makakita,
ng taong nasasaktan?
Walang bahala ka kung magdisisyon,
di mo alam ang tunay na sitwasyon

Kung Ika'y nakakaramdam; maawa ka,
sapagkat ako'y labis na nataranta
Sinugatan mo ko ngunit di mo alam,
baka sa kalaunan ako'y mag paalam

No comments:

Post a Comment