Tuesday, September 21, 2010

Ang Liham

Meron akong ginawang liham,
para mabawasan ang pagdaramdam
Ito'y aking kinukubli,
ng wala nang masabi

Sa tamang panaho'y,
ito'y ibibigay
sa pinakamamahal,
upang ako'y maghintay

Pero sa aking nakikita,
itong liham ay wala ng bisa
Sapagkat ang puso nya'y,
nakalaan na sa iba

Marapat ko ng sunugin o pirapirasuhin,
ang papel na nagtataglay ng aking lihim
Sapagkat siya'y hindi handang umibig
luha'y aagos na parang tubig

No comments:

Post a Comment