Wednesday, March 25, 2020

Freelancing #22

Malaya ka na mahal at maging masaya,
hindi na mahalaga ang nakaraan.
Buksan mo ang iyong mga mata't tanawin ang umaga,
Alaala nati'y nasa puso at handa nang lumaya.

Humayo ka't taglay ang aking pagmamahal,
Baon mo ang aking mga yakap at halik.
Sa hilaga man o kanluran ang tungo,
aking ititigil na ang labis na pananabik.

Sundin mo ang iyong mga tala at bituin,
sa liwanag nila'y ika'y tumalima.
Ibungad mo sa umaga ang iyong mga matatamis na ngiti,
at iwanan mo sa akin ang iyong sakit at luha.

Malaya ka na mahal at maging masaya,
hindi na mahalaga ang nakaraan.
Buksan mo na iyong mga palad at tanggapin ang tadhana,
Alaala nati'y nasa puso at tanggap nang payapa.

Monday, March 23, 2020

Freelancing #21

Kailan ko masisilayang muli,
mga masasaya't matamis mong ngiti

Aanhin ko ang yaman at salapi,
kung ika'y di ko masilayang muli

Aakyatin ang pinakataas na bundok at lulundag sa pinaka malalim na dagat,
makasama ka lang muli, puso'y asa alapaap

Hiling ko kay Bathala na ako'y kanyang dinggin, ika'y mapalapit sakin at puso'y amuhin.

Hihigit pa sa pag-big ang aking isusukli,
basta't ikay bumalik at hindi na lumisan muli.

Freelancing #20

Oh, my sweet angel and love,
you're my treasure given from above.
The smile and beauty and radiance and all,
makes everyone think and take a harder fall.

Every glance you take is heaven to me,
every word you say is beauty that I can see.
No wonder many hearts aren't that sober,
when they see you, they can't stop to ponder.

Oh, my sweet angel and love,
you're my life and meaning given from above.
The beauty and smile and calmness and all, makes me want to catch myself as I fall.

Freelancing #19

Sa bawat araw na dumaan at lumipas,
alaala mo'y buhay parin at hindi kumukupas.

Tila kahapon lamang noong ika'y aking kayakap, ngayo'y puro dalamhati at hirap ang nakakalap.

Sa bawat oras na dumaan at lumipas,
ako'y nangungulila sayo't sakit ng puso'y ikaw ang lunas.

Walang salita ang hihigit at tutumbas,
sa pangungulila ng pusong inakala ko'y malakas.

Sa bawat gabi na dumaan at lumipas,
tinig mo at yakap ang aking tanging lunas.

Kung nasaan ka man naroroon,
hanap ka pa ng puso sinta.

Mas pinipili pa nitomg tumangis mag-isa,
at hindi ipilit ang saya habang wala ka.