Thursday, April 2, 2020

Freelancing #23

Dadating pa kaya ang araw at gabi,
na puno ng sigla at himbing?
Makikita pa ba kita sinta kong ibig,
pagmamahal ko sayo'y aking nilihim.

Sa bukang liwayway ako'y namimintuho,
panalangin sa Poo'y aking binubuo.
Nawa'y ibaling sakin ang pagmamahal mo,
na para bang mga rosas na puso'y tumutubo.

Ipagpaumanhin mo nawa sinta,
ang pusong takot na sa palamara
Ika'y may naitulak palayo sa akin,
di hangad ng pusong ito na ika'y hamakin.

Mas masaya nga siguro ang magmahal ng payapa,
walang humuhusga at walang sumisira.
Gayon na lamang ang hangad ko aking sinta,
Kaya nagyo'y nagdudusa ng lubos at walang tila 

Dadating pa kaya ang araw at gabi,
na ika'y kasama ko sa aking tabi?
Mayayakap pa ba kita mahal ko't giliw,
ikaw sa puso ko'y buhay at aliw.


No comments:

Post a Comment