Monday, January 3, 2011

Lihim

Kung iisipin mo lang ngayon,
wala naman talagang saysay
Bakit nga ba ngayon iba,
kaysa nung unang pagkikita?

Hindi sisnasadyang hamakin,
dila ko'y biglang na bitin
Kaya't walang nang nangyari
ng sabihin ang aking lihim

Kung minsan ako'y nagsisi,
at talagang napapaisip
Lihim na aking itinago,
ay naging mitsa ng paglaho

Kung bakit ko pa nasabi,
ang lahat ng aking damdamin
Kung mauulit lang sana,
ang kahapong lumpas na

Mas mabuti pa 'ata,
na kinikim na lang sakin
Ang lihim na pagtingin,
ang s'yang nagpabitin

No comments:

Post a Comment