Monday, December 6, 2010

Kailan Ba?

Kailan ka ba matututo
na ang buhay ay puno ng sugo?
Na sya'ng sasagip sayo,
sa anumang peligro

Kailan ka ba magmumulat,
ng mga mata mong walang luha?
Na sya'ng magliligtas sayo,
sa lahat ng delubyo

Kailan ka ba iibig,
sa taong nanguusig?
Na sya'ng nandito sayo,
at wala sa ibayo

Kailan ka ba makakadama,
ng tunay na pagmamahal?
Na sya'ng aagapay sayo,
sa lahat ng problema mo

Kailan nga ba mangyayari,
ang lahat ng aking nasabi?
Kung ako'y mawala na,
sana masagot mo pa




No comments:

Post a Comment