Lahat na yata ng daan,
iyong nang dinaanan
Bawat sulok ng mundo'y,
iyong pinuntahan
Naghahanap ng kapayapaan,
lumalayo sa tabak ng digmaan
Inukit sa bawat rebulto,
ang dakila mong pangalan
Ngunit wala kang mararating,
at daratnan mo'y malalim bangin
Ang Paraisong iyong natagpuan,
ay niyurakan at ito'y tinabunan
Nagsimula kang magiting at marangal,
sa katapusa'y kukunin ang yung lamang
Sa bawat butil ng buhagin sa hangin,
katumbas ng isang milyong nagdadalangin
Ika'y mapapadapa sa hinagpis,
titingin sa langit at mananangis
Isusumpa ang araw ng iyong pagkapanganak,
isusumpa ang iyong mga maling binalak
No comments:
Post a Comment