Showing posts with label Poem (Filipino). Show all posts
Showing posts with label Poem (Filipino). Show all posts

Wednesday, March 25, 2020

Freelancing #22

Malaya ka na mahal at maging masaya,
hindi na mahalaga ang nakaraan.
Buksan mo ang iyong mga mata't tanawin ang umaga,
Alaala nati'y nasa puso at handa nang lumaya.

Humayo ka't taglay ang aking pagmamahal,
Baon mo ang aking mga yakap at halik.
Sa hilaga man o kanluran ang tungo,
aking ititigil na ang labis na pananabik.

Sundin mo ang iyong mga tala at bituin,
sa liwanag nila'y ika'y tumalima.
Ibungad mo sa umaga ang iyong mga matatamis na ngiti,
at iwanan mo sa akin ang iyong sakit at luha.

Malaya ka na mahal at maging masaya,
hindi na mahalaga ang nakaraan.
Buksan mo na iyong mga palad at tanggapin ang tadhana,
Alaala nati'y nasa puso at tanggap nang payapa.

Monday, March 23, 2020

Freelancing #19

Sa bawat araw na dumaan at lumipas,
alaala mo'y buhay parin at hindi kumukupas.

Tila kahapon lamang noong ika'y aking kayakap, ngayo'y puro dalamhati at hirap ang nakakalap.

Sa bawat oras na dumaan at lumipas,
ako'y nangungulila sayo't sakit ng puso'y ikaw ang lunas.

Walang salita ang hihigit at tutumbas,
sa pangungulila ng pusong inakala ko'y malakas.

Sa bawat gabi na dumaan at lumipas,
tinig mo at yakap ang aking tanging lunas.

Kung nasaan ka man naroroon,
hanap ka pa ng puso sinta.

Mas pinipili pa nitomg tumangis mag-isa,
at hindi ipilit ang saya habang wala ka.

Tuesday, June 28, 2011

Paglalakbay ng Hinagpis

Lahat na yata ng daan,
iyong nang dinaanan
Bawat sulok ng mundo'y,
iyong pinuntahan

Naghahanap ng kapayapaan,
lumalayo sa tabak ng digmaan
Inukit sa bawat rebulto,
ang dakila mong pangalan

Ngunit wala kang mararating,
at daratnan mo'y malalim bangin
Ang Paraisong iyong natagpuan,
ay niyurakan at ito'y tinabunan

Nagsimula kang magiting at marangal,
sa katapusa'y kukunin ang yung lamang
Sa bawat butil ng buhagin sa hangin,
katumbas ng isang milyong nagdadalangin

Ika'y mapapadapa sa hinagpis,
titingin sa langit at mananangis
Isusumpa ang araw ng iyong pagkapanganak,
isusumpa ang iyong mga maling binalak

Monday, January 3, 2011

Lihim

Kung iisipin mo lang ngayon,
wala naman talagang saysay
Bakit nga ba ngayon iba,
kaysa nung unang pagkikita?

Hindi sisnasadyang hamakin,
dila ko'y biglang na bitin
Kaya't walang nang nangyari
ng sabihin ang aking lihim

Kung minsan ako'y nagsisi,
at talagang napapaisip
Lihim na aking itinago,
ay naging mitsa ng paglaho

Kung bakit ko pa nasabi,
ang lahat ng aking damdamin
Kung mauulit lang sana,
ang kahapong lumpas na

Mas mabuti pa 'ata,
na kinikim na lang sakin
Ang lihim na pagtingin,
ang s'yang nagpabitin

Monday, December 6, 2010

Kailan Ba?

Kailan ka ba matututo
na ang buhay ay puno ng sugo?
Na sya'ng sasagip sayo,
sa anumang peligro

Kailan ka ba magmumulat,
ng mga mata mong walang luha?
Na sya'ng magliligtas sayo,
sa lahat ng delubyo

Kailan ka ba iibig,
sa taong nanguusig?
Na sya'ng nandito sayo,
at wala sa ibayo

Kailan ka ba makakadama,
ng tunay na pagmamahal?
Na sya'ng aagapay sayo,
sa lahat ng problema mo

Kailan nga ba mangyayari,
ang lahat ng aking nasabi?
Kung ako'y mawala na,
sana masagot mo pa




Monday, November 1, 2010

Ang Huling Panunuyo

Kung iyong mamarapatin,
ako sana'y dinggin
Ang aking hinaiing sayo,
di mo batid 'pagkat ika'y malayo

Aking pagibig 'di mo tinanggap,
sa alapaap; ika'y hinahanap
Bawat sulok ng daigdig aking pupuntahan,
upan makapiling ang sya'ng minamahal

Ngunit ng ika'y matagpuan,
ako'y nabigla sa nalaman
Puso mo'y nakalaan sa iba,
halik mo'y dumampi sa iba

Aking puso 'di mo pinahalagahan,
sa mga anino; ako'y gumagala
Bawat luha sa mata'y pinunas,
humuhikbi sa pagkamalas

Natural ba sayo ang makakita,
ng taong nasasaktan?
Walang bahala ka kung magdisisyon,
di mo alam ang tunay na sitwasyon

Kung Ika'y nakakaramdam; maawa ka,
sapagkat ako'y labis na nataranta
Sinugatan mo ko ngunit di mo alam,
baka sa kalaunan ako'y mag paalam

Wednesday, September 29, 2010

Ang Aking Panig

Ako'y isang magaaral na naghahangad,
na ako'y makatapos at maging mapalad
Para sa aking pag-aaral ako'y handa,
para ipagmalaki ang bansa at ang madla

Ngunit sa aking pagmamasid,
ang aking kritoko'y naka panig
Tinutuligsa at niyuyurakan,
ang aking magandang pangalan

Pilit nila akong pinapahirapan,
upang hindi na ako makapalag
Hawak nila ako sa leeg,
ginapos sa gitna ng ilang

Sa harap ng husgado tinig ko'y hindi pinakikinggan,
Sapagkat ang aking mga kaaway ay palaging hadlang
panu kaya nila maririnig ang aking panig,
kung ang kanilang maga tenga'y palaging naka sara

Sana'y tulunagn ako ng maykapal,
upang ang aking daing ay hindi hadlangan
Sapagkat ang aking panig ay kumakatawan,
sa buong mundo na nahihirapan

Tuesday, September 21, 2010

Ang Liham

Meron akong ginawang liham,
para mabawasan ang pagdaramdam
Ito'y aking kinukubli,
ng wala nang masabi

Sa tamang panaho'y,
ito'y ibibigay
sa pinakamamahal,
upang ako'y maghintay

Pero sa aking nakikita,
itong liham ay wala ng bisa
Sapagkat ang puso nya'y,
nakalaan na sa iba

Marapat ko ng sunugin o pirapirasuhin,
ang papel na nagtataglay ng aking lihim
Sapagkat siya'y hindi handang umibig
luha'y aagos na parang tubig

Friday, August 27, 2010

Bigo

Dumaan sya sa ibang ibayo,
at ako'y biglang natalo

Kung dati'y parang baliw na naghihintay,
ngayo'y puro pout ang nka hintay

Di mo malman kung galit o lungkot ang mararamdaman,
kung wala ka sa posisyon para ito'y malaman

Kung ako'y di umiimik ng ilang araw,
ngayo'y pekeng ngiti ang naka salang

Pwede akong lapitan at pagsabihan,
ngunit ako'y hindi na mag sasalita

Sapagkat nadurog muna ang pusong tatlong beses na iniwan
At dahil dun ako'y nag paparaya at nag papaiwan

Ngunit kung ako'y iyong tawagin,
sa oras na ika'y nangangamba

Ako'y handang makinig at mag payo lamang
sapagkat alam ko na lahat ng sasabihin mo ay pang kaibigan lang

Wednesday, July 21, 2010

Ang Pagsisisi

Sa mga mata nya'y nkaukit ang pagsisisi,
ang kanyang isipan ay puno ng hinagpis

Kung san pa nabago ang lahat,
ng bagay na salat

Ang pangakong iniwana,
tila ba nakalimutan

Kung ganito man ang kinahantungan,
sana tinapos na ang kahangalan